Si haring MacGil, suot ang kanyang pinakamarangyang kasuotan, itim na pantalon, gintong sinturon, ang kasuotan ng hari na yari sa pinakamagandang klase ng tela, makintab na sapatos at suot ang kanyang gintong korona na napalilibutan ng mamahaling bato, ay bumaba sa kastilyo na puno ng mga tauhan. Dinaanan niya ang mga ibat ibang silid na may mga naglalakihang mga pinto. Hanggang sa makarating siya sa dulong pinto na yari sa isang puno ng narra. Binuksan ito ng mga tauhan at saka pumasok ang hari. Ang silid ng trono.Nagtayuan ang mga tagapayo sa pagpasok ng hari."Magsiupo kayo", ang sambit ng hari. Pagod na siya dahil sa mga gawain sa kaharian at gusto na niyang matapos ang lahat.
Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.
Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian nila ay liberal at ang kanyang mga ninuno ay binibigyan ng malaking importansya ang opinyon ng mga marangal, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan. Sa kasaysayan ng kaharian, hindi naging madali ang pagbalanse sa desisyon ng hari at ng mga marangal. Ngunit ngayon ay mas nagiging matiwasay na ang lahat. May mga ilang pagkakataon lamang na nagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan.
Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga tagapayo, kanyang napansin na wala ang pinakagusto niyang makita at makausap sa lahat, si Argon. Katulad ng dati, kung saan saan at bigla bigla na lamang nagpapakita si Argon. Hindi ito nagugustuhan ni MacGil, ngunit tinanggap niya pa din ito. Kakaiba talaga ang mga Druids. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, madami pa siyang kakailanganing gawin bago ang kasal.Nakapalibot ang mga tagapayo sa bilog na lamesa. Nakaupo sa mga upuan na yari sa matitibay na punong kahoy.
"Maari na po ba nating simulan?" Ang sabi ni Owen
"Sige. Ngunit pakiiklian lamang ito. Madami pa akong kailangang gawin."
"Makakatanggap ngayon ng mga magagarbong regalo ang inyong mahal na anak. Madaming mamamayan ang magbibigay puri at maghahandog ng alay sa inyo na makakadagdag din sa ating pondo. Ngunit madaming preparasyon para sa araw na ito na siguradong makakabawas ng malaki sa ating pondo. Imumungkahi ko na taasan ang buwis ng mga mamayan, isahang buwis upang mabawi ang mawawala sa pondo dahil sa pagdiriwang na ito."
Nakaramdam ng labis na pagaalala ang hari dahil sa pagbasak ng pondo. Ngunit hindi niya maaring taasan muli ang buwis.
"Mas mabuti pa ang magkaroon ng mababang pondo kaysa mawala ang mga tapat na mga tao" sagot ni MacGil. "Ang ating yaman ay nagmumula sa masasaya nating mga mamamayan. Hindi natin dapat sila pahirapan."
"Ngunit mahal na hari, kung hindi po natin…"
"Nakapagdesisyon na ako. Sunod!"
Napabalik na lamang sa kanyang upuan si Owen.
"Mahal na hari," ang sagot ni Brom gamit ang malalim na boses nito, "tulad po ng pinaguutos po ninyo, pinakalat ko na po ang ating mga tauhan sa lugar na pagdadausan ng pagdiriwang. Nakakahanga po ang maipapakita nating hukbo ngunit kung sakaling may gulo na mangyari sa ibang bahagi ng kaharian, hihina po ang ating pwersa"Tumango lamang ang hari."Hindi aatake ang ating mga kalaban habang pinapakain natin sila."
Nagsipagtawanan ang mga tagapayo.
"At anong balita sa mga bulubundukin?""Wala pong natala na kahit anong galaw simula pa noong isang buwan. Mukhang naghahanda po ang lahat para sa kasal. Marahil ay handa na silang makipagkasundo"Hindi sigurado ang hari sa bagay na iyon."Maaring ang