Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс. Читать онлайн. Newlib. NEWLIB.NET

Автор: Морган Райс
Издательство: Lukeman Literary Management Ltd
Серия: Singsing ng Salamangkero
Жанр произведения: Героическая фантастика
Год издания: 0
isbn: 9781632912503
Скачать книгу
sa loob. Mahuhuli na ako."

      "Mahuhuli saan?"

      "Sa pagpili."

      Ang kawal, maliit ngunit malaki ang katawan, ay napatingin sa iba pang mga kawal. Tinitigan nito si Thor na parang hindi makapaniwala.

      "Kanina pa dumating ang mga pagpipilian sakay ng mga karwahe ng kaharian. Kung hindi naimbitahan, hindi ka maaring pumasok"

      "Hindi ninyo naiintindihan. Kailangan ko…"

      Lumapit ang kawal at hinawakan sa kamiseta si Thor.

      "Ikaw ang hindi nakakaintindi bata! Anong karapatan mo para ipagpilitan na makapasok. Umalis ka na bago pa kita saktan."

      Itinulak nito si Thor na bumagsak sa lupa.

      Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Thor dahil sa pagkakatulak ng kawal ngunit mas masakit ito dahil sa pagkabigo. Desidido si Thor. Hindi siya naglakbay ng ganito kalayo upang ipagtabuyan lamang ng hindi pa nila nakikita ang kanyang kakayahan. Kailangan niyang makapasok.

      Umalis ang mga kawal. Naglakat nmaan paikot ng koluseyo si Thor. May plano siya. Lumakad siya palayo hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga kawal. Sinuri niya ang mga pader ng gusali. Sinigurado nito na walang makakakita sa kanya. Nang makarating siya sa kabilang bahagi ng koluseyo, nakita niya ang pangalawang pasukan nito. Hinaharangan ito ng mga nakahilerang mga bakal. Napansin niya na may nawawalang mga bakal. Nakarinig siya muli ng mga sigawan mula sa loob kaya sinilip niya ito.

      Bumilis muli ang kanyang paghinga. Nakahilera sa gitna ng koluseyo ang lahat ng mga naimbitahan kasama ang kanyang mga kapatid. Nakaharap sila grupo ng mga Silver na isa isa silang sinusuri. Isang grupo din ng mga kalalakihan ang nasa isang sulok at isa isang pinatitira gamit ang pana habang sinusuri rin ng mga Silver. Isa sa mga ito ang hindi nakatama.

      Mas lalong naginit ang dugo ni Thor. Magiging madali para sa kanya ang gumamit ng pana. Maliit siya at mas bata ngunit hindi ito nangangahulugan na mas mahina siya. At hindi ito patas para sa kanya.

      Ng ano ano'y may biglaang humawak sa balikat ni Thor. Hinila siya at itinapon sa lupa.

      Paglingon ni Thor ay nakita niya ang kawal na bantay sa unang pasukan.

      "Anong sinabi ko sa iyo bata?"

      Bago pa man makasagot si Thor ay bigla siyang sinipa sa dibdib ng kawal. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga buto hanggang sa sinipa siyang muli nito

      Bago pa ulit ito makasipa, hinawakan ni Thor ang paa ng kawal, inihagis niya ito hanggang sa mawalan ng balanse ang kawal. Bumagsak ito.

      Agad tumayo si Thor kasabay ng kawal. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nagawa. Tinitigan ng masama ng kawal si Thor.

      "Hindi lamang kita sasaktan,' sagot ng kawal,"magbabayad ka. Walang dapat kumalaban sa isang kawal ng hari. Kalimutan mo na ang pagsali sa Legion-mabubulok ka sa kulungan. Maswerte ka pa mung masikatan ka pa ng araw."

      Kinuha ng kawal ang kanyang kadena. Unti unti itong lumapit kay Thor, handang handa para maghiganti.

      Kailangang magisip ng mabilis ni Thor. Hindi niya maaring hayaan na masaktan at makulong, ngunit hindi rin niya maaaring saktan ang isang kawal ng kaharian. Kailangan niyang magisip ng paraan, agad agad.

      Naalala niya bigla ang kanyang tirador. Agad niya itong kinuha, kasama ang bato at itinira.

      Lumipad ang bato at tinamaan ang kamay ng kawal. Nabitawan nito ang hawak na kadena. Napaluhod ang kawal sa naramdamang sakit mula sa tama ng tirador sa kanyang kamay.

      Ng walang ano ano'y, hinugot ng kawal ang kanyang espada. Tinitigan ng masama si Thor.

      "Iyon an ang huling pagkakamali na gagawin mo," banta ng kawal. Dumilim ang awra nito.

      Wala ng ibang paraan si Thor. Hindi na siya lulubayan ng kawal na ito. Tinira niya ulit ito ng tirador. Hindi niya intensyon na patayin ang kawal kundi ang pigilan lamang ito. Kaya sa halip na patamaan niya ito sa puso o sa ulo, itinapat niya ito kung saan hindi niya mapapatay ang kawal.

      Sa pagitan ng mga hita nito.

      Hindi niya ito tinira gamit ang kanyang buong lakas. Tama lamang para magpabagsak ng tao.

      Perpekto ang kanyang naging tira.

      Napaluhod ang kawal. Bumagsak ang kanyang espada at namaluktot sa sobrang sakit.

      "Mamamatay ka dahil dito!" Sambit ng kawal sa kabila ng nararamdamang sakit. "Mga Kawal!!"

      Lumingon si Thor at kanyang nakita ang mga ibang kawal na tumatakbo palapit sa kanila.

      Wala na siyang ibang maaring gawin.

      Agad siyang tumalon sa butas kung saan nagkulang ang mga bakal na nakaharang sa pangalawang lagusan. Pumasok siya sa loob ng arena upang ipakilala ang kanyang sarili. Lalabanan niya ang kung sinong magtangkang pigilan siya.

      IKALIMANG KABANATA

      Si MacGil ay nakaupo sa mataas na bahagi ng kanyang kastilyo, ang silid na pinagdadausan ng kanyang mga personal na mga bagay. Siya ay nakaupo sa kanyang trono, upuan na yari sa kahoy, habang tinitingnan niya ang kanyang apat na anak sa kanyang harapan. Nandoon ang kanyang panganay na anak na si Kendrick. Dalawamput limang taong gulang pa lamang ngunit isa ng mahusay na mandirigma at isang magalang na ginoo. Siya ang pinakahawig sa kanyang ama kahit na siya ay isang anak sa labas lamang. Anak sa isang babae na matagal ng kinalimutan. Pinalaki ni MacGil si Kendrick kasama nalg kanyang mga tunay na anak na unang tinutulan ng kaniyang reyna. Pumayag lamang ito sa isang kundisyon, na hindi siya maaring pumalit sa trono bilang hari. Mahirap ito para kay MacGil ,dahil si Kendrick ang pinakamagiting na lalaking kanyang nakilala, ang anak na kanyang pinagmamalaki. Wala ng ibang mas karapatdapat pang pumalit sa kanya kundi si Kendrick.Sa tabi ni Kendrick, ay ang pangalawang anak ng hari ngunit unang lehitimong anak niya sa reyna na si Gareth. Dalawamput tatlong taong gulang, payat at may palubog na pisngi. Mahilig siya sa pagkaskas. Ang kanyang karakter ay kabaligtaran ng sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung si Kendrick ay kayang ipaglaban ang kanyang paniniwala, si Gareth naman ay itinatago ang kanyang tunay na nararamdaman. Kung si Kendrick ay matapang at mapagkakatiwalaan, si Gareth naman ay mapanlinlang. Masakit para kay MacGil ang kamuhian ang sariling anak. Ilang beses na niyang sinubukan na baguhin ito ngunit sa paglaki nito,mas lumabas ang tunay na pagkatao nito: uhaw sa kapangyarihan at maambisyon. Alam din ni MacGil na walang interes si Gareth sa mga kababaihan at madami itong karelasyon na kapwa lalaki. Kung sa ibang hari, marahil ay itinakwil na nila ang ganoong klase ng anak, ngunit mas bukas ang kaisipan ni MacGil. Hindi iyon sapat na dahilan upang hindi niya mahalin ang sariling anak. Hindi niya kailanman ito hinusgahan ukol sa kanyang kasarian. Ngunit hindi niya maaring palampasin ang kasamaan sa pagkatao nito.Nandoon din katabi ng kanyang mga kapatid ang ikalawang anak na babae ni MacGil, si Gwendolyn. Kakatungtong pa lamang nito sa kanyang ika-labing anim na taong kaarawan. Maganda hindi lamang sa panlabas kundi pati ang kanyang kalooban. Siya ay mabait, mapagbigay, matapat- ang pinakamabuting babae na nakilala ng hari. Mahahalintulad niya nag anak na babae kay Kendrick. Kapag tumitingin ito sa kanya, nararamdaman niyaang pagmamahal ng isang anak at ang katapatan nito sa kanya. Mas ipinagmamalaki niya si Gwendolyn kaysa sa mga anak niya lalaki.Katabi ni Gwendolyn ang pinakabata sa mga magkakapatid na si Reece. Matapang at malaya kung magisip. Labing apat na taong gulang at unti unting nagiging isang tunay na lalaki. Pinagmasdan ni MacGil ang pagkukusa nito na sumali sa Legion at nakikita na niya kung paano siya magiging isang mandirigma. Balang araw,nakikita ni MacGil ang bunsong anak bilang isang magaling na hari at pinuno ng kaharian. Ngunit hindi pa sa ngayon. Masyado pa itong bata.Halo halo ang narramdaman ni MacGil habang tinitingnan ang kanyang apat anak sa kanyang harapan. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki ngunit may kasamang panghihinayang. Nakakaramdam din siya ng galit at inis dahil dalawa sa kanyang anak ay nawawala. Ang kanyang panganay na babae na si Luanda na naghahanda sa nalalapit nitong kasal at dahil siya ay ikakasal sa lalaki na nagmula sa ibang kaharian, hindi siya kasali sa usapan ng tagapagman ng trono. Ngunit ang kanyang isa pang anak na lalaki, si Godfrey na labing walong taong gulang ay hindi nagpakita. Namumula si MacGil sa galit.Simula pa noong bata pa si Godfrey, madalas na itong magpakita ng kabastusan sa trono; malinaw na kailanman ay wala siyang balak o interes upang umupo sa trono. At ang mas nakakapanghinayang para kay MacGil ay ang makita niya kung paano sayangin ng anak ang kanyang oras sa pagiinom kasama ng mga maling kaibigan na naghatid ng madaming kahihiyan sa