Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс. Читать онлайн. Newlib. NEWLIB.NET

Автор: Морган Райс
Издательство: Lukeman Literary Management Ltd
Серия: Singsing ng Salamangkero
Жанр произведения: Героическая фантастика
Год издания: 0
isbn: 9781632912503
Скачать книгу
niya ang kanyang tirador at mga bato sa kanyang tagiliran. Nanginginig niyang itinapat ang tirador.Pinakawalan niya ito at saktong tumama sa mata ng tupa, tagos hanggang sa utak nito. Patay na ang tupa. Tinapos na niya ang paghihirap nito.Galit na galit ang Sybold na natapos na ang kanyang paglilibang. Ibinagsak nito ang tupa sa lupa at ibinaling ang nanlilisik na mga mata nito kay Thor.Naglabas ito ng malakas at nakapangingilabot na tunog.Bago pa makalapit ito kay Thor ay kumuha na siya agad ng bato at inihanda ang kanyang tirador.Gumalaw ng mabilis ang Sybold, isa sa pinakamabilis na nilalang na nakita ni Thor. Agad nanalangin si Thor na sana'y matamaan niya ito dahil alam niyang wala na siyang oras upang tumira ng pangalawang bato bago pa ito makalapit sa kanya.Tumama ang bato sa kanang mata ng Sybold na nagpabagsak dito. Ang ganoong tira ay sigaradong magpapahirap sa ordinaryong hayop.Ngunit hindi ito isang ordinaryong hayop. Sumigaw ang Sybold sa sakit ng tama ngunit muli iton bumangon at tumakbo ng mabilis,kahit na nawala na ang isa nitong mata at may batong tumama sa kanyang utak. Wala ng ibang magagawa si Thor.Makalipas ng ilang segundo ay nakalapit na ang Sybold kay Thor,. Ginamit nito ang kanyang mga pangil at sinugatan si Thor sa balikat.Napasigaw sa matinding sakit si Thor. Ang sakit ay parang nanggaling sa tatlong matatalim na kutsilyo na itinusok sa balikat nito. Tumagas ang madaming dugo sa kanyang balikat.Pinatumba ng Sybold si Thor at dinaganan gamit ang apat na paa nito. Ibang klase ang bigat nito. Parang may elepante na tumapak sa dibdib ni Thor. Naramdaman niya ang pagdurog nito sa mga buto ni Thor.Binuksan ng Sybold ang kanyang bunganga at inilabas ang mga pangil. Gagamitin niya ang mga ito para kagatin sa leeg si Thor.Ngunit bago ito mangyari, hinawakan ni Thor ang leeg ng halimaw. Sobrang lakas nito. Unti unting nanghihina ang mga kamay ni Thor habang papalapit ang mga pangil ng halimaw. Naramdaman ni Thor ang mainit na hininga ng Sybold at ang laway nito na tumutulo sa kanyang leeg. Ito na ang katapusan ni Thor.Ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata."Panginoon,tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas upang talunin ang nilalang na ito. Gagawin ko po ang lahat ng ipaguutos ninyo. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob"At biglang may naramdaman si Thor. Isang matinding init na unti unting dumadaloy sa kanyang katawan. Binuksan niya nag kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita; isang liwanag ang nagmula sa kanyang mga palad at ng itulak niya ang halimaw, nasubukan niyang pantayan ang lakas nito.Pinagpatuloy ni Thor ang pagtulak sa halimaw. Habang tumatagal ay nararamdaman niya ang lalo niya paglakas. At sa isang iglap ay naitapon niya ang halimaw patalikod at bumagsak ito sa lupa.Napaupo si Thor at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.Muling tumayo ang halimaw at muling tumakbo papunta kay Thor ngunit sa pagkakataon na ito, kakaibang lakas ang naramdaman ni Thor sa kanyang katawan.Sa pagatake ng halimaw, hinawakan ni Thor ang sikmura nito. Muling tumilapon ang halimaw at tumama sa isang puno.Napatitig lamang si Thor sa kanyang ginawa. Talaga bang naitapon niya ang isang Sybold?Muling tumayo nag Sybold at naghanda sa pagsugod.Sa paglapit nito, hinawakan namin ni Thor ang lalamuna ng halimaw. Pareho silang bumagsak sa lupa, nasa ibabaw ang halimaw. Umikot si Thor. Sinakal ni Thor ang halimaw habang nagpupumiglas ito. Pinagpatuloy ni Thor ang pagsakal at naramdaman niyang siya ay mas malakas na sa Sybold.Sa pagsakal ni Thor ay unti unting nanghina ang halimaw ngunit hindi bumitaw si Thor.Dahan dahang tumayo si Thor. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa. Napatay niya ang isang Sybold.Alam niyang may kakaiba talaga sa araw na ito. Napatay niya ang pinakakinatatakutang halimaw sa buong kaharian. Walang gamit na anumang sandata o armas. Parang hindi totoo. Walang maniniwala sa kanya.Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang kanyang kakaibang lakas. Sino ba siya talaga? Pawang mga Druids lamang ang may kapangyarihan at lakas na katulad ng sa kanya. Ngunit hindi naman siya isang Druids. Maging ang kanyang ama't ina.O hindi nga ba?Nang biglang may naramdaman si Thor na parang may nagmamasid sa kanya. Sa kanyang paglingon, nandoon si Argon, nakatindig habang pinagmamasdan ang patay na halimaw."Paano ka nakarating dito?"tanong ni Thor.Ngunit hindi sumagot si Argon."Nakita mo ba kung anong nangyari?" Patuloy ni Thor "hindi ko maintindihan!""Alam kong alam mo," sagot ni Argon, "alam mong hindi ka pangkaraniwan""Biglaang lakas ang aking naramdaman, kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula" sabi ni Thor"Energy field" sagot ni Argon, "maiintindihan mo din ito sa tamang panahon. Matututunan mo din itong kontrolin at gamitin."Patuloy ang pagdurugo ng balikat ni Thor. Matinding sakit. Hindi niya maisip kung anong maaring mangyari sa kanya kung walang tutulong sa kanya.Lumapit si Argon,inabot ang isang kamay ni Thor at inihawak sa sugat nito. Pumikot ito.Biglang nakaramdam si Thor ng init. Unti unti natuyo ang dugo sa kanyang braso at unti unting nawala ang sakit na nararamdaman niya.Tiningnan ni Thor ang kanyang balikat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Naghilom na ang kanyang sugat. Natira lamang ang bakas ng tatlong pangil ng halimaw ngunit natuyo na ito. Wala ng dugo.Gulat na tumingin si Thor kay Argon."Paano mo ginawa yun?" Ang sambit ni Thor.Napangiti lamang si Argon."Hindi ako. Ikaw! Tinulungan lamang kita na ilabas ang iyong kapangyarihan""Ngunit wala akong kapangyarihan na makapagpagaling" litong tanong ni Thor"Wala nga ba?"ang tanging sagot ni Argon"Hindi ko maintindihan" hindi na mapakali si Thor. "Pakiusap. Ipaliwanag mo sa akin.""Malalaman mo din sa takdang panahon" sabi ni ArgonBiglang may naisip si Thor."Ibig sabihin ba nito ay maari na akong sumali sa Legion?" Tanong ni Thor, "..kung kaya kong pumatay na Sybold, magiging madali na para sa akin ang pakikipaglaban sa kahi na sino.""Maaari," sagot ni Argon"Ngunit ang pinili nila ay ang mga kapatid ko, hindi ako" sambit ni Thor."Hindi kayang pumatay ng halimaw ng mga kapatid mo""Kailan pa kinailangang piliin ng ibang tao ang isang tunay na mandirigma?" Patuloy ni ArgonBiglang nakaramdam ng kakaibang saya si Thor."Sinasabi mo ba na dapat akong pumunta doon kahit hindi ako pinili?"Ngumiti lamang si Argon."Ikaw ang gumawa ng iyong tadhana. Hindi tulad ng iba. " paliwanag ni ArgonAt sa iglap, bigla na lamang naglahong muli si Argon.Sinubukang hanapin ni Thor sa paligid si Argon."Dito!," sigaw ng isang bosesPaglingon ni Thor ay isang malaking bato ang tumambad sa kanyang harapan. Ang boses ay nagmula sa tuktok nito. Agad itong inakyat ni Thor.Pagdating niya sa tuktok, wala siyang nakita kahit anino ni Argon.Ngunit mula sa kinatatayuan niya, nakita niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan at ang daan patungo sa kaharian."Nandiyan na ang daan, nasasayo na lamang kung susundan mo ito" bulong ng isang boses.Walang ibang tao na nakita si Thor ngunit alam niya na nariyan lamang sa paligid si Argon at hinihikayat siya. Marahil ay tama siya.Ng walang pagaalinlangan ay bumababa siya mula sa bato at sinundan at daan palabas ng kagubatan.Ang daan papunta sa kanyang tadhana.

      IKATLONG KABANATA

      Si Haring MacGil, makisig ngunit hindi katangkaran na may mahabang bigote at balbas na kulay ulap, at malapad na noong napupuno na ng linya ay nakatindig sa mataas na balkunahe ng kaniyang kaharian. Katabi niya ang reyna habang pinagmamasdan ang nagyayaring kasiyahan sa loob ng kaharian, isang malawak at mataas na kaharian na napapalibutan ng pader na yari sa bato. Sa loob nito ay matatagpuan ang Korte ng Hari. Ito ay lugar na punong puno ng mga bahay na yari sa bato. Tirahan ng mga mandirigma, mga tagapangalaga,mga kabayo, ang Legion, ang Silver, ang mga tagabantay ng kaharian, ang lugar para sa mag sandata at armas at daang daang mga mamamayan na piniling manirahan sa loob ng mga pader ng hari. Bawat daan ay puno ng mga halaman, hardin, mga lugar para sa pagdiriwang. Ang korte ng Hari ay mas lalong ipinagtibay simula pa noong mga ninuno at naunang mga hari, kaya ito na marahil ang pinakaligtas na lugar sa buong kanlurang kaharian sa loob ng Bilog na KalupaanPinagkalooban si Haring MacGil ng mga pinakamagagaling at pinakamagigiting na mga mandirigma kaya sa buong buhay niya bilang Hari, walang sino man ang nangahas na umatake at lumaban sa kaharian. Siya ng ikapitong MacGil na tumapak sa trono, may tatlumput tatlong taon na bilang hari at isa siyang mabuti at matalinong hari. Naging matiwasay ang kaharian dahil sa kanyang pamumuno. Dinoble niya ang bilang ng mga mandirigma, pinalawak ang kanyang nasasakupan, tinulungan ang bawat mamamayan kaya wala silang masasabi na kahit anong masama tungkol sa kanya. Siya ang pinakamapagbigay na hari kaya ang kaharian ay nanatiling masagana at tahimik ng siya ang namuno.Subalit, hindi matahimik ang hari. Sa kasaysayan ng kaharian, ito ang pinakatagal na panahon kung saan walang digmaan. Hindi na rin niya iniisip kung sino at kailan may aatakr sa kaharian.Ang pinakakinatatakutan na lamang niya ay ang mga maaring lumaban mula sa labas ng Bilog na Kalupaan. Mula sa kaharian ng mga rebelde na pumwersa sa mga tao na pumasok sa loob ng Bilog na Kalupaan. Para kay MacGil at ang pitong henerasyon ng mga hari na nauna sa kanya, hindi pa naging sagabal ang mga rebelde sa kaharian. Dahil iyon sa magandang kinalalagyan ng kaharian, isanv perpektong bilog na napalilibutan ng mataaas na pader na yari sa bato at ng isang matinding enerhiya na nagsilbing pananggalang ng kaharian simula pa noong unang mamuno ang mga MacGil. Ilang beses ng sinubukan ng mga rebelde na siraan ang sanggalang at ang pader ngunit nabigo sila. Kaya habang sila ay nananatili sa loob ng kaharian, sila ay ligtas.Ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala ng magiging banta mula sa loob ng