Biglaang bumukas ang naglalakihang pintuan ng silid. Agad pumasok ang mga kawal, bitbit sa kamay anak na si Godfrey. Itinulak nila ito papasok ng silid saka isinara ang pinto.
Lumingon ang mga magkakapatid kay Godfrey na lasing, hindi pa nagaahit at hindi nakabihis ng ayos. Ngumiti lamang ito. Walang galang. Tulad ng dati.
"Kamusta ama," sabi ni Godfrey, "nahuli na ba ako sa kasiyahan?"
"Tumayo ka sa tabi ng iyong mga kapatid at hintayin nag aking pagsasalita. Kung hindi, patawarin ako ng panginoon, ngunit ikukulong kita kasama ng ma ordinaryong preso. Hindi ka makakakain o makakainom ng alak sa loob ng tatlong araw."
Tinitigan lamang ni Godfrey ang ama. Sa mga titig na iyon,nakaramdam ng kakaibang pwersa si MacGil. Isang pwersa na maaring magpahamak sa anak balang araw.
Kahit napipilitan, sumunod si Godfrey sa pinaguutos ng ama matapos ang sampung segundo.
Pinagmasdan ni MacGil ang kanyang mga anak sa harapan: ang anak sa labas, ang suwail, ang lasinggero, ang anak na babae at ang bunsong anak. Iba iba ang ma personalidad at hindi siya makapaniwala na sa kanya lahat ito nagmula. At ngayon, sa araw ng kasal ng kanyang anak, ay naatasan siya upang pumili ng papalit sa kanya bilang hari. Paano iyon magiging posible?
Isa lamang iyong tradisyon na nakasanayan na at siya pa rin ang magiging hari sa mga susunod pang mga taon. Kung sino man ang kanyang mapipili ngayon ay marahil hindi naman tatanggapin ang trono pagdating ng araw. Mahalaga ito noong panahon ng kanyang ama ngunit hindi para sa kanya.
"Pinatawag ko kayo dahil sa isang tradisyon. Alam ninyong lahat na sa araw ng kasal ng pinakamatandang anak ng hari at kinakailangang pangalanan ang susunod sa aking trono. Ang tagapagmana ng kaharian. Kung ako man ay mamatay, wala ng ibang maaaring mamuno kundi ang inyong ina. Ngunit nasasaad sa batas na tanging sa mga anak lamang manggagaling ang susunod na tagapagmana ng trono. Kaya kailangan kong pumili."
Huminga ng malalim si MacGil habang nagiisip. Katahimikan ang bumalot sa silid at ramdam niya ang paghihintay ng mga anak. Tumingin siya sa bawat mga mata nito at nakakia ng ibat ibang ekspresyon. Kalmado lamang ang anak sa labas dahil alma niyang hindi siya maaring mapili. Nagniningning naman ang mata ng suwail. Punong puno ng pagasa. Umaasa na kanya na mapupunta ang trono. Nakatingin lamang sa labas ang lasing na anak. Walang pakialam. Ang anak na babae naman ay punong puno ng pagmamahal ang mga tingin sa ama kahit na alam niyang hindi sa kanya mapupunta ang trono. Pati ang anak na bunso.
"Kendrick, isa kitang tunay na anak. Ngunit naaayon sa batas na maari lamang ipasa ang trono mula sa mga lehitimong anak ng hari."
Tumungo si Kendrick, "Ama, hindi po akong umaaasa sa inyong trono. Kuntento na po ako sa buhay na inyong ibinigay. Huwag po kayong magalala sa akin."
Masakit para kay MacGil ang mga nasambit ng anak. Totoo ito at mas lalo niyang ninais na ibigay na lamang ang trono dito.
"Apat na lamang layong natira. Reece, isa kang mabuting tao, isa sa mga pinakamahusay na nakilala ko. Ngunit masyado ka pang bata para dito"
"Inasahan ko na po ito ama." Sagot ni Reece sabay tungo.
"Godfrey, isa ka sa tatlo kong lehitimong anak. Ngunit mas pinili mong sayangin ang buhay mo at itapon sa pagiinom. Ibinigay sayo ang lahat ng pribilehiyo sa buhay ngunit sinayang mo lamang lahat ito. Kung mayroon man akong pinanghihinayangan sa buhay, ikaw yun."
Sumimangot lamang si Godfrey at umiwas ng tingin sa ama.
"Kung gayon, marahil ay maari na akong umalis at bumalik sa aking pagiinom. Tama ba ama?"
Tumayo ito at naglakas palapit sa pintuan ng silid.
"Bumalik ka dito!" Galit na sigaw ng hari.
Ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi pinakinggan ang ama. Pagbukas niya ng pintuan, dalawang kawal ang nakatayo sa labas nito.
Galit na galit na tumingin si MacGil sa mga kawal na hindi sigurado sa dapat gawin.
Ngunit hindi na nagpaligoy ligoy pa si Godfrey. Agad nitong nilampasan ang dalawang kawal.
"Ikulong niyo siya!" Sigaw ni MacGil. "At huwag ninyo itong hahayaang makita ng reyna sa araw ng kasal ng kanyang anak."
"Masusunod mahal na hari", at agad nilang isinirado ang pintuan at sinundan si Godfrey.
Naupo lamang si MacGil, huminga ng malalim upang kumalma. Ilang beses na niyang inisip kung bakit ganoon ang kinahinatnan ng kanyang anak.
"Dalawa na lamang kayo," pagpapatuloy niya, "at mula sa inyo, nakapili na ako ng aking tagapagmana."
Tumingin si MacGil sa anak na babae.
"Ikaw iyon Gwendolyn."
Nagulat ang lahat ng nasa silid. Lalo na si Gwendolyn.
"Tama ba ang sinabi ninyo ama?" Tanong ni Gareth. "Si Gwendolyn?"
"Salamat ama," sabi ni Gwendolyn, "ngunit hindi mo po ito matatanggap. Isa po akong babae."
"Tama. Kailanman ay wala pang babae na umupo sa trono ng mga MacGils. Ngunit napagisipan ko na marahil ay tama lamang na baguhin ang tradisyon. Gwendolyn, isa kang mabuti at mapagmahal na babae. Bata ka pa ngunit tanggapin mo ito. Hindi pa ako mamamatay ngunit sa pagdating ng araw na iyon, alam mo na ang dapat gawin. Sa iyo na ang kaharian."
"Ngunit ama!" Sigaw ni Gareth. "Ako ang panganay sa mga lehitimo mong mga anak. Sa kasaysayan ng mga MacGil, palaging ang lehitimong panganay ang nagmamana ng trono."
"Ako ang hari." Tugon ni MacGil. "Ako ang gumagawa ng tradisyon."
"Ngunit hindi ito patas!" Sigaw ni Gareth na nanginging sa galit. "Ako dapat ang maging hari. Hindi ang aking kapatid na isang babae."
"Tahimik!" Sigaw ni MacGil, "anong karapatan mong pagdudahan ang aking desisyon?"
"Sa tingin niyo ba ay mas magaling sa akin ang isang babae? Iyon ba ang naiisip ninyo?"
"Buo na ang desisyon ko." Ang sabi ni MacGil. "Irerespeto mo ang aking desisyon kagaya ng lahat ng aking mga kinasasakupan. Maarin na kayong umalis."
Nagbigay galang ang mga anak, tumungo at sabay sabay na lumabas ng silid.
Ngunit huminto si Gareth sa may pintuan, hindi niya magawang umalis.
Bumalik ito at nilapitan ang ama.
Nakikita ni MacGil ang panghihinayang sa mukha ni Gareth. Malinaw na inasahan nitong siya ang papangalanang maging tagapagmana sa trono. Pinangarap niya ito. Desperado ito na makuha ang trono at hindi na ito ikinagulat ni MacGil. Ito din ang dahilan kung bakit hindi niya ito pinili.
"Bakit mo ako kinamumuhian ama?" Tanong ni Gareth
"Hindi kita kinamumuhian anak. Hindi lamang kita nakikita na karapatdapat para pamunuan ang kaharian."
"At bakit?" Giit ni Gareth
"Dahil desperado ka sa kapangyarihan."
Nagdilim ang mukha ni Gareth. Nakita ni MacGil ang galit para sa kanya sa mga mata ng kanyang anak.
Ng walang kahit anong salita, nagmadaling umalis si Gareth palabas ng silid.
Biglaang nanghina si MacGil. Hindi niya makalimutan ang titig ng kanyang anak na puno ng galit at pagkamuhi na mas matindi pa kaysa sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, ay naalala niya ang sinabing babala ni Argon.
Ito na ba ang sinasabing panganib sa buhay niya?
IKAANIM NA KABANATA
Nagtatakbo papasok ng malawak na arena si Thor sa abot ng kanyang makakaya. Sa kanyang likod ay naririnig niya ang mga kawal na humahabol sa kanya. Hinabol nila si Thor sa gitna ng mainit at maalikabok na arena habang nagsisigaw. Papalapit na siya sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Legion, ang mga nakahilera na mga nagboluntaryo-dose dosenang mga kalalakihan tulad niya, ngunit mas matanda at mas malalakas. Sila ay sinasanay at hinuhusgahan sa paggamit ng ibat ibang sandata tulad ng pana at sibat.