Ikot . Морган Райс. Читать онлайн. Newlib. NEWLIB.NET

Автор: Морган Райс
Издательство: Lukeman Literary Management Ltd
Серия: Talaarawan ng Bampira
Жанр произведения: Героическая фантастика
Год издания: 0
isbn: 9781632912510
Скачать книгу
ina na pinilit siyang pumalipat-lipat ng lugar. Naisip din niya kung anong mangyayari sa kapatid niyang si Sam pagkatapos ng araw na ito.

      Naisip niya ang kaniyang buong buhay. Kung paano siya tinarato ng mga tao. Walang isang taong nakaintindi sa kanya.

      Napagtanto niya na hindi na niya kayang tanggapin ang mga ito. Tama na. Hindi ito nararapat sa kanya. Hindi!

      At bigla na lamang niya itong naramdaman.

      Para itong alon na hindi pa nangyari sa kanya dati. Isa itong biglang agos ng matinding galit na nagsimulang manalaytay sa kanyang dugo. Ramdam na ramdam niya ang kongkreto sa kaniyang mga paa at ang matinding lakas na animo'y dumaloy sa kaniya mula sa pulso papunta sa kanyang mga braso at balikat.

      Bumukas ang kanyang bibig at isang malakas na dagundong ang lumabas.

      At sinalakay siya ng unang lalaki. Habang hinawakan siya nito sa may pulso ay agad na kumilos ang kanyang kamay, hinablot ang lalaki sa may pulso sabay bali ng braso patalikod.

      Nagulat ang lalaki. Napaluhod ito at napahiyaw sa sakit nang mabali ang kanyang braso.

      Napatigil ang tatlo sa mga lalaki at namangha.

      Sunod na umatake sa kanya ay ang pinakamalaki sa kanila.

      Tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Tumilapon siya mga sampung talampakan sa ere at bumagsak sa mga basurahang gawa sa metal. Hindi na siya nakatayo pagkatapos noon.

      Nagtinginan ang dalawa pang lalaki. Manghang mangha sila sa kanilang nasaksihan. Binalot din sila ngtakot. Nilapitan sila ni Caitlin na puno ng di maipaliwanag na lakas. Narinig ulit ang dagundong galing sa kanya. Dinampot niya ang dalawang lalaki gamit ang magkabilang kamay at itinaas sila sa ere. Idinuyan niya sila sabay pinag-umpog ng malakas. Nawalan sila pareho ng malay.

      Nag-uumapaw ang galit ni Caitlin. Hindi gumagalaw ang apat na lalaki.

      Hindi lumuwag ang kaniyang kalooban pagkatapos noon. Gusto niya pang makipaglaban. Gusto niya pa ng mas maraming kabataan na itatapon sa ere.

      Hindi lamang iyon ang gusto niya. Biglang naglinaw ang kaniyang mga paningin at napatingin sa kanilang mga leeg. Sa ugat sa kanilang leeg. Gusto niyang kumagat. Kumain.

      Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Tumayo siya at umirit ng napakalakas. Tunog na hindi maririnig galing sa ordinaryong tao.

      Wari itong isang irit ng hayop na may hinahanap at hindi kuntento.

      IKALAWANG KABANATA

      Nakatayo si Caitlin sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Ang naalala lamang niyang huli ay nasa may eskenita siya.

      Ngunit naalala niyang lahat ang nangyari doon. Binalot siya ng galit na noon lamang niya naramdaman.

      Tiningnan niya ang kanyang mga braso. Inaasahan niyang may nagbago pagkatapos noon ngunit lahat ay kapareho pa rin ng dati. Normal.

      Ang epekto nito sa kanya ay naiwan din. Guwang ang kanyang pakiramdam. Manhid. Hindi niya ito maintindihan. Mayroon siyang kinasasabikan pagkatapos niyang mapagmasdan ang mga leeg ng mga lalaking iyon. Ugat sa kanilang leeg. Nakaramdam siya ng gutom.

      Ayaw talagang umuwi ni Caitlin. Ayaw niyang harapin ang kaniyang ina, ang bago nilang lugar. Pati mag-ayos ng gamit. Kung hindi lamang dahil kay Sam ay aalis ulit siya ngayon. Maglalakad lakad.

      Binuksan niya ang pinto. Nakaamoy siya ng pagkain, mukhang galing sa microwave. Sam. Lagi siyang maagang umuwi para kumain. Wala pa ang kanilang ina.

      "Mukhang hindi maganda ang unang araw mo ah."

      Nagulat si Caitlin sa boses ng ina na nakaupo sa sala, naninigarilyo at umay na pinagmamasdan siya.

      "Sinira mo na kagad ang bago mong pangginaw?"

      Napatingin si Caitlin sa suot niya. Mukhang namantsahan sa pagkakabagsak niya sa semento.

      "Bakit ang aga mo umuwi?" tanong niya sa ina.

      "Unang araw ko din sa trabaho" pasinghal na sagot ng ina.

      "Hindi lang ikaw. Wala masyadong trabaho kaya pinauwi ako ng maaga ng amo ko."

      Hindi kaya ni Caitlin ang masamang tono ng ina. Hindi ngayong araw na ito.

      "Magaling! Ibig bang sabihin lilipat ulit tayo?" singhal din niya.

      Napatayo bigla ang kaniyang ina. "Ingatan mo iyang pananalita mo!" sigaw niya.

      Para kay Caitlin lagi lamang naghahanap ng rason ang nanay niya para masigawan siya.

      "Hindi ka dapat naninigarilyo sa harap ni Sam" malamig na sambit niya habang pasok sa kaniyang maliit na silid. Sinara niya ang pinto at kinando ito.

      "Lumabas ka dito! Pilya ka! Ganyan ba dapat magsalita sa inyong ina na nagpapakain sa inyo!?"

      Sa gabing ito ay nagawa niyang hindi pansinin ang boses ng ina. Masyadong magulo ang isip niya. Inalala niya ang mga nangyari noong araw na iyon, ang lakas ng tawa ng mga kabataan, ang tibok ng kaniyang puso at ang dagundong na sa kanya lamang nanggaling.

      Nagpatuloy ang bayo sa kaniyang pinto ngunit tila ay wala siyang naririnig. Ang kaniyang cellphone sa mesa ay wala ring tigil sa pagtaginting, umiilaw dahil sa mga mensahe sa kaniya. Ngunit pati iyon ay di niya naririnig.

      Dumungaw siya sa kaniyang maliit na bintana at pinagmasdan ang kahabaan ng kalye ng Amsterdam. Ibang tunog ang kaniyang narinig. Ang boses ni Jonah. Naalala niya ang mga ngiti nito. Naisip niya kung paanong napaka-amo niya. Bigla niyang naalala ang duguan niyang mukha at ang wasak na instrumento niya. Nagsimula na naman siyang magalit.

      Hanggang ang galit niya ay napalitan ng pag-aalala. Inaakala niyang tinatawag siya ni Jonah.

      Caitlin.. Caitlin..

      "Caitlin?"

      May ibang boses na tumatawag sa kaniya. Ang kapatid niyang si Sam.

      "Si Sam ito. Papasukin mo ko."

      Tumayo siya at humilig sa may pinto.

      "Wala si Inay. Lumabas bumibili ng sigarilyo. Sige na papasukin mo na ako."

      Binuksan ni Caitlin ang pinto.Nakatayo doon si Sam. Nakatitig sa kaniya at nag-aalala. Labing-limang taong gulang pa lamang siya pero mukha siyang mas matanda sa edad niya. Tumangkad siya ng maaga, anim na talampakan. Payat siya, itim ang buhok at kulay kape ang mga mata. Pareho sila ng kulay. Magkapatid nga sila. At mahal na mahal siya nito.

      Pinapasok niya ito sa loob at nagmamadaling sinara ang pinto.

      "Pasensya na" sabi ni Caitlin. "Hindi ko siya kayang tiisin ngayong gabi."

      "Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Jonah.

      "Pangkaraniwan na. Ako na naman lagi niyang nakikita."

      "Hindi kasi ata naging maganda ang araw niya." pumapagitnang sabi ni Jonah, bagay na lagi niyang ginagawa. "Sana hindi siya masisante ulit."

      "Sinong may pakialam? New York, Arizona, Texas...saan naman kaya ang sunod? Wala nang magiging katapusan ang paglipat natin!"

      Sumimangot si Jonah habang nakaupo sa may mesa. Nagsisi kaagad si Caitlin sa kaniyang nasabi. Kung pwede lang niyang bawiin iyon. Minsan talaga walang preno ang kaniyang bibig.

      "Kumusta naman ang unang oraw mo?" tanong ni Caitlin para mabago ang kanilang usapan.

      "Ok lang naman. ikaw?" Nagkibit balikat lamang siya. May iba siguro sa kaniyang mukha dahil hindi naalis ang tingin sa kaniya ni Jonah.

      "Anong nangyari?"

      "Wala" mabilis niyang sagot sabay lakad sa may bintana. Patuloy siyang pinagmamasdan ng kapatid.

      "May iba sa iyo."

      "Paanong iba?" tanong ni Caitlin habang nakatingin sa may labas.

      "Hindi ko alam. Ayoko sa lugar na ito" sabi ni Jonah.

      "Ako din" sabay balik ng