Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Modesto de Castro. Читать онлайн. Newlib. NEWLIB.NET

Автор: Modesto de Castro
Издательство: Public Domain
Серия:
Жанр произведения: Философия
Год издания: 0
isbn:
Скачать книгу
(áàâ): Rayas ó comillas—».

      Ang Coma, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.

      Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oración; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.

      Ang Punto y Coma, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó Oración, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man, Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos.

      Ang dalauang Punto, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.

      Ang Paréntesis, ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oración, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi.

      Ang Interrogación, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿Icao ay cristiano na?

      Ang Admiración, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala! Ang Puntos suspensivos, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dan~gang pinanonood tayo nang Dios ay:::

      Ang uicang Etcétera, na ang tanda ay ito &c. ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.

      Ang Acentos, ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. Tingnan dito sa dalauang uica: Hába, Habá.

      Ang man~ga Comillas ó Rayas, ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin.

      Ang Guion, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may Guion, ó guhit, para nito: May-nila, Mali-bay.

      Ang Punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oración, at ang casunod pinupunuan nang letra Mayúscula.

      Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát. Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.

      Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.—URBANA.

      TAPAT NA CASIPAGAN

NANG BATA SA PAGAARAL

      PAOMBONG....

      URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.

      Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.

      SA CATUNGCULAN SA BAYAN

      Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

      FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.

      Ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na gayac nang loob na siya,i, paquinaban~gan nang tauo, cun di ang siya ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,i, maguinhauahan; hindi ang siya,i, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,i, paguinhauahin nang tauong caniyang pinagpupunoan.

      Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini-iring. Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.

      Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna ó capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i, mapapailaliman, ang tinitin~galá n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di sampo nang haharapin. Itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,t, may pagsusulitan may justicia sa lupa,t, may justicia sa lan~git; ang malisan nang justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang Dios.

      Houag magpalalo, sapagca,t, ang puno at pinagpupunoan, ay di man magcasing uri, ay isa rin ang pinangalin~gan, isa ang pagcacaraanan at isa rin naman ang caoouian; Dios, ang pinangalin~gan magdaraang lahat sa hocoman nang Dios at Dios din naman ang caoouian.

      Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan. Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo; n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.

      Cailan ma,i, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan, lumin~gap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,t, cun ang paglin~gap niya ay laganap