Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Paunaua sa Babasa
Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod, cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i, pagdalitaang dinguin.
Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang mundo.
Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.
Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto; sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang caasalang quinalulugdan nang Dios.
Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.
Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit sa Dios.
Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay catungculan ninyo ang mag-in~gat.
Pasicatan sa arao nang Santo Evangelio, diliguin nang magandang aral sa paquiquiharáp sa tauo, at pamumucadcád nang man~ga bulaclac na inyong alaga, ay maquiquita ninyong magsasambulat nang ban~go, sa guitna nang mundó na inyong pinagaalayan.
Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy.
N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating náng panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng uaning sa canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.
At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua ó labing apat na taon, sa isang Escuela, Colegio ó sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na canilang pinulot ay tulad sa hirám na damit saglit na isinoot at biglang hinubád: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc ay agad nalimutan: caparis nang cáyong nagcuculay dilao, na initan, nang arao, hinipan nang han~gin, ay agád cumupas, at di nacalaban sa init at bilís.
Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na ipinunlá ninyo, ang hirap ay maguiguing toua.
At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa guitna nang pan~ganib sa mundó ay nacapag iin~gat, ang maban~góng bulaclac na canilang puri ay di nalalantá, at pag dating nating panahon na sila,i, tuman~gáp nang estado nang matrimonio, ay maquita ninyó na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila namang maguiguing anac, ¡laqui nang toua na inyong cacamtan!
Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis sà capoua binata, maalam bumagay sa tauo sa mundó; at pagdating nang panahon na sila,i, maguing esposo at ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa paquiquisama sa canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, saan di ang sila,i, capurihán at caran~galan ninyo.
Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na marunong tumupád, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna nang mundó at caguinoohan, ¡laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! ¡At ang pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan cayo,i, nabubuhay sa mundó at hangan sa matapus naman ang canilang buhay sa mundó!
Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia ó mag anac. Sa magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay, ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang pagtangáp nang anac nang aral nang magulang.
Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa.
Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.
Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.
Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang asal nang capatid na bunsó na si Honesto, macapagaaral ang bata, at macatatantó nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatanáo nang caliuanagan nang canilang bait.
"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal naman, at palibhasa,i, sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan nang masaganang paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, naquitaan naman nang magandang loob.
Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay maniuala at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bubô ay aquing dinampót, binucsán ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay iniin~gatan.
Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mulá sa arao na yaon, n~guni,i, sariua ring parang cahapon.1
Limbág ca sa dibdib, ay di ca nacatcát nang habang panahong limbás nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag ibig.
At cun sa handóg cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang dumampót nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong paghihirap sa aquing pagsisicap, ¿ay mahuhulaan caya ninyo ang aquing uiuicain? Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.
At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita nang alio, uupó sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman, at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uháy, ay cumita nang sayá.
Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan.
Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at palibhasa,i, cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i, malilimutan na nang mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan ay masasambit din ang aquing pan~galan, at sa harapán nang Dios ay alalahanin nang isang Responso ó Ave Maria.
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
UNANG SULAT
Paombon y Mayo 10. 185 …
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang